Nang mahalin kita, napatunayan ko sa sarili ko that I am capable of loving somebody.. Natutunan kong tumanggap ng mga bagay na hindi man kagandahan basta ikaw ang involve eh ok lang.. Natutunan kong humingi ng sorry kahit ikaw pa ang may kasalanan.. Natutunan kong ngumiti kahit ano pa ang pinagdadaanan ko kasi nakikita kita.. Natutunan kong gawin ang mga bagay na dati naman eh hindi ko ginagawa pero para sayo kahit anu magiging simple lalo na kung ang kpalit nun ay ang isang magandang ngiti mo.. Dahil sayo, natutunan kong maniwala sa mga pangako kahit na alam ko na walang bagay na permanente sa mundo maliban sa pagbabago.. Dahil sayo, naging masaya ang buhay ko.. pero bakit kailangang IKAW din ang maging dahilan kung bakit ko natutunang sumimangot?? Bakit kailangang ikaw pa ang magdulot sa akin ng kabiguan at kalungkutan?? At bakit sa lahat ng itinuro mo tila nakalimutan mo yatang ipaalala saken na kailangan ko rin paminsan-minsang umikot sa sarili kong mundo?? LUHA?? Oo, ito ang pisikal na reaksyon ko sa tuwing nararamdaman ko ang kalungkutan, pero alam mo ba kung anong mas nakapagpapalungkot dito?? Yun ay ang katotohanang wala na ang buhay na panyo na dati ay dumadampi sa mukha ko para mapawi ang mga luha na ngayon ay tumutulo para sayo..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment